The Greatest Son of a Beach
Sabi ko, simula ng pangalawang org chem (Chem 35) ko, isusumpa ko na ang any subject related dito. Pero dahil sa exam ko kanina, parang panandalian kong nalimutan yung inis at galit ko. Iyon na ata yung pinakamadaling Org Chem exam na na-take ko so far. Halos kalahati kasi ng mga tanong ay kinuha sa Chapter Exercises ng book na ginagamit namin. Mga ilang minutes before the exam, naisipan ng mga study buddies ko na, sagutan or more likely i-memorize yung mga sagot ng Chapter Exercises. Nagbunga naman. Kaya nung exam, kahit alam kong may mga tanong na mahihirap, hindi ko rin maiwasang matuwa kasi, nararamdaman ko at naniniwala akong papasa ako. Ang mahalaga lang naman ay makapasa ako sa exams, bonus na lang yung makakuha ng mataas na score. So, yun, di ako ganun ka-depressed.
Pero siyempre, di ko pa rin nakakalimutan yung curse. Kaya binabalik ko na. :|
-
angelitoo liked this
-
itsmyepicness posted this